Relatable Meme's
Me as a fangirl..
Hindi madaling maging isang fan girl. Lalo't pagdating sa mga concerts, magazines, at mga merchandise nila tapos wala kang pambili. Saklap diba? As a fangirl gagawin mo talaga ang lahat makuha lang ang mga gusto mo. Ako, bilang isang fangirl mahirap mag-ipon, nahihirapan ako. Pero ganoon pa man hindi pa rin ako sumusuko sa labanan ng pag-iipon.
Simula grade 5 o grade 6 ba yun? hindi ko na matandaan, pero isa lang ang alam ko, bata pa lang ako adik na ako sa mga Korean Drama o Kdrama. Mas nauna pa ako sa mga kabataan ngayon na inaangkin ang mga asawa ko na una naging akin. Walang sa kanila. Nauna ako kaysa sa kanila. Pero wala akong magagawa kinain na rin sila ng sistema ng Kdrama eh at hindi ko sila masisi ang gagwapo ba naman ng mga asawa ko. Well, bilang isang fangirl mapang-angkin talaga kami kahit alam naming kahit kailan di sila magiging amin. Sad.
Bes, wag kang ganyan. Handa akong makipagpatayan para sa mga idol ko. Huwag niyo lang talaga silang malait-lait kasi wala kayo sa kalingkingan nila. Kaya pwede ba, shut up na lang kayo? Bilang isang fangirl hindi mo talaga mapipigilan magkaroon ng kaaway dahil sa pang-iinsulto na ginagawa nila sa idol mo. Nakakainis lang kasi, wala namang ginawa yung tao sa kanila pero grabe kung makahusga. Akala mo ang perfect perfect nila eh.
Mahirap talaga magmove-on lalo na kung minahal mo talaga siya ng sobra tapos bigla-bigla ka lang niyang iwan ng ganoon? Sobrang sakit kaya. Hindi ko talaga alam kung saan ulit ako magsisimula once na matapos ko na ang kdrama na pinapanuod ko. Masyadong masakit pa sa heart.
" We didn't choose this fangirl life, the fangirl life took us"
Me pagdating kay crush...
Masakit. One word seven letters pero sobrang tagos sa puso. Oo, crush ko lang siya, hindi ako ang girlfriend at hindi ko siya boyfriend. Wala akong karapatan magselos at magalit kasi walang KAMI. HAHAHAHAHA! Kaya tatanggapin ko na lang talaga na, wala e di ako ang gusto niya. Sad.
Ewan ko pero kinikilig talaga ako pag nababanggit niya ang panagalan ko eh. Parang may magic pag sinasabi niya yung panagalan ko na bigla na lang ako ngingiti na parang tanga.
When someone teases you with your crush name
HAHAHAHA! Ako talaga 'to eh. Nakakahiya kaya. Mabuti sana kong gusto niya rin pero hindi eh. Ako lang nasiyahan at kinilig. Pero sa kanya, walang epekto. Nakakinis! Akala mo ang gwapo gwapo!
Hindi siya ang para sayo. Hindi siya ang nakatadhana sayo. Kaya tanggapin mo na lang na hindi ka niya magugustuhan. Maghintay ka sa taong nakalaan sayo na tunay na magmamahal sayo na walang mas hihigit pa.
Saklap naman. Alam mong hindi siya ang girlfriend pero naiinis ka kasi mabuti pa sila may picture ng crush mo tapos ikaw wala? Nakakainis yun, sobra! at... oo na! Nakakainggit. Wala ka kasing lakas na loob para gawin yun hindi katulad ng ibang babae diyan.
Bes, I'm watching you! Yung may karibal ka sa crush mo, hindi lang isa kundi dalawa, tatlo, lima ay nakakabuang! Pero atleast sabay-sabay kaming masasaktan kasi alam naman namin na hanggang tingin lang kami. HAHAHAHA!
"Why do they call it crush? Because that's how you feel when they don't feel the same way in return"
Comments
Post a Comment